Monday, April 11, 2016

An Old Newbie

"Ang sponge porous yan. Ibig sabihin madali syang maka-absorb ng bagay-bagay especially ng liquids. Yung mga good stuff like planktons yun yung nagiging nutrition ng sponges sa ilalim ng dagat, yun yung good stuff para sa kanila. Pero yung bad stuff or yung mga small pieces in the water na naaabsorb nila at hindi naman nila kelangan ay in-excrete nila sa system nila... "

----------oOo----------

This is for those of you who have been working long enough in a company that you call yourself as "seasoned" or "independent" employees, yet newly transferred to another department that you call yourself as a "trainee". Oo, ikaw na pinagpala na sa tinagal-tagal na nagtatrabaho sa kumpanya mo ay ngayon lamang napalipat sa ibang departamentong pwedeng matagal mo na ring pinapangarap!

Once an old employee is being transferred to a new department, as exciting as it may seem, challenges can be so much, because you have accumulated a lot of techniques and routines from your previous department that may or may not be applicable to the new one you are in. Masyado ka na kasing bihasa sa pasikot-sikot ng trabaho mo sa dati mong departamento, kumbaga sa keyboard alam mo na kung nasan ang letrang A, L o Q pati nga ang End at Home keys no-look ka na rin. Kaya naman nang mabigyan ka nang notebook-type na laptop ayun hindi mo na makapa ang End at Home keys at nagsala-sala na rin ang letters mo dahil mas maliit ang keyboard. Pero parehas lang naman sila kung iisipin, iba lang ang size at pwesto ng keys.

You know the saying, "You can't teach an old dog, new tricks?" Well, you can be taught. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Narito ang mga bagay na pwede mong gawin para mag-work ka sa bago mong department.


1. Be humble

Ang ganitong set-up ay nangangailangan ng ibayong pagpapakumbaba. You have to keep your feet on the ground. Wala muna nang pa-epal effect mo, if ever, kagaya nang ginagawa mo sa dati mong department. Remember, kahit matagal ka na sa kumpanya mo binubuo ito ng iba't-ibang departamento na may iba't-ibang gawain. Kahit ikaw ay bihasa at mahusay na sa gawain mo sa dati mong departamento, may mga routines sa bago mong departamento na dapat mong aralin at alamin. Lalo na pag dating sa paperworks.

 Ang paperworks ang isa sa mga pinaka critical na trabaho, kasi hardcopy yan ng kahusayan mo sa trabaho mo. What is written is done, and what is not written is not done, ika nga. Be humble enough na tanggapin ang mga komento sayo ng seniors mo. Hindi rin pwede ang "pasok-sa-isang-tenga-labas-sa-isang-tenga" technique mo everytime na pinagsasabihan ka. Tanggapin mo na kahit mas bata sila or mas nauna ka sa mga seniors mo ay mapapagsabihan ka nila, kasi mas kabisado nila ang departamentong bago mong kinabibilangan. Dadating din ang araw na magiging kasing husay ka nila o malay mo mas magiging mahusay pa?! Pero, wait lang, pag dumating ang araw na yun keep your feet pa rin on the ground. You know why? Kasi, walang taong perpekto magkakamali at magkakamali ka kahit gaano ka pa katagal sa trabaho. Remember: What goes around comes around!

2. Be a sponge and learn to listen

Ang sponge porous yan. Ibig sabihin madali syang maka-absorb ng bagay-bagay especially ng liquids. Yung mga good stuff like planktons yun yung nagiging nutrition ng sponges sa ilalim ng dagat, yun yung good stuff para sa kanila. Pero yung bad stuff or yung mga small pieces in the water na naaabsorb nila at hindi naman nila kelangan ay in-excrete nila sa system nila. Ganyan dapat tayo hindi lang pagdating sa bagong departamentong kinabibilangan natin, kundi maging sa buhay, di ba?

Sa work, you have to absorb whatever good or bad thrown at you. Mapagsabihan ka man o purihin, always think of it as a plus point sa part mo. Pag pinuri ka, it will boost up your morale. Say thank you and accept it. Kapag pinagsabihan ka, reflect on it and think of ways para di na sya maulit. Sa ganang way mag-iimprove ang trabaho mo. Kapag tingin mo naman ay hindi na s'ya constructive para sa'yo, throw it out of your system. Filter things. Do what is good and throw out what is inevitably unnecessary! 

Learn to listen what your seniors have to say. You will learn from their experiences, as well. Absorb the lessons and be better on what you do.

3. Keep your mouth shut

There will be times that people has something to say to other people. Hindi 'yan maiiwasan for whatever reason it may be. But as long as you can, try to stay out of it. Yan ang gusot na ayaw mong pasukin. Uso sa Pilipinas ang chismis. Kung sa dati mong area ay belong ka sa mga chikadora ng bayan, well, think twice sa bago mong area. Bago ka pa lang. You do not know the people around you. Who the cliques are. Baka mamaya ay promotor ka pa ng chismisan at ang chinichismisan mo pa ay kabarkada nung chinichismis mo. Lagot ka ngayon! Ikaw na ang bagong chichismisin.

Pag dating naman sa mga mali mong nagawa at napagsabihan ka, keep your mouth shut. Sabi ko nga sa number two: be a sponge and learn to listen. Huwag ka nang sumagot o mag-reason out. More words you try to say, mas pinapapangit mo lang ang image mo. Sinabi na ngang mali, mas marunong ka pa sa nakakakaalam!

4. Study

Kunin mo yung mga libro mo from college or kung nag-masters ka na, yung notes mo nung masters mo. Magbasa-basa ka ulit. Hindi masamang i-refresh mo yung brain cells mo sa mga bagay na maaaring nakalimutan mo na. Para naman kapag may itananong sa'yo ang head mo ay may maisagot ka na may sense, di ba?

Kung never heard naman yung mga bagay-bagay na nakakasalamuha mo sa bago mong department, why not invest on a book or a training course, para mabihasa ka naman, somewhat, at hindi ka mapag-iwanan sa area,

5. Work your ass off

Hindi naman sa magpabibo ka sa bago mong area, as in literal na tanggapin mo lahat ng workloads. What I mean is, be more initiative and work doubly hard. The reason you are put into that department is because they need an addition to their workforce. Hindi ka nandyan para lang magpa-cute or for the glory of the department. Andyan ka to work with the team. Kaya, kelangan mong magtrabaho ng doble para soon enough makasabay ka na sa kanila at hindi ka na alalahanin kasi trainee ka pa lang nila.

Be initiative sa mga responsibilities para maaga pa lang makabihasa mo na yung part na yun ng work sa department. Sa una, syempre medyo mabagal ka pa kasi nag-iingat ka pa dahil baka magkamali ka at mapagsabihan ka na naman and everything. Pero, as you continuously perform on that task, soon enough, you will be more confident in performing that task with fluidity and accuracy,

6. Stay happy, motivated and inspired

Lastly, eto. Stay happy, motivated and inspired. For whatever reason you are transferred to your new department, be it on your own request or per company's, always see the brighter side of the field. Aside from work, find your purpose. Your purpose in life is the reason you are staying alive, happy, motivated and inspired! Wag mong i-focus ang buhay mo sa trabaho lang. Alam kong may hurdles sa work na hindi mo maiiwasang dalhin sa isip mo sa bahay, but, you know what, celebrate the fact that you have this purpose greater than those worries. Hold on to it.

I have written a short essay on how to be truly happy, baka makatulong sayo. (How To Be Truly Happy.) Kung hindi mo pa alam yung purpose mo sa buhay may mga nakasulat dyan sa link na yan kung pano mo ma-fifill yung buhay mo nang kahulugan. 

Kung mapagsabihan ka man sa work, think of it as a good thing kasi maiiwasan mo na ulit sya in the future. Motivation din yun para mag-work hard ka para di ka na mapagsabihan, at maiinspire ka na someday, you will be better on what you do. Di ba?!






No comments:

Post a Comment