Paano Ang Hindi Umasa: Unang Yugto Ng Mga Kwentong Pag-ibig:
Unang Yugto ng mga Kwentong Pag-ibig
---------- oOo ----------

Dalawa sa maaaring dahilan kung bakit hindi nasusuklian ng pagmamahal na hinahangad natin mula sa isang taong napaka-espesyal sa buhay natin
ay ang mga sumusunod: Una, may minamahal na silang iba, at hindi tayo yun. Kaya nga tayo ang nasasaktan di ba? Pangalawa, kahit wala naman silang minamahal na iba, hindi pa rin nila tayo kayang mahalin, dahil hindi lang nila tayo gusto, period!
ay ang mga sumusunod: Una, may minamahal na silang iba, at hindi tayo yun. Kaya nga tayo ang nasasaktan di ba? Pangalawa, kahit wala naman silang minamahal na iba, hindi pa rin nila tayo kayang mahalin, dahil hindi lang nila tayo gusto, period!
Ang sakit-sakit, di ba? Pero anong magagawa natin? Pinili natin ang mapunta sa sitwasyong yan, dahil hindi natin iniwasan habang maaga pa, habang hindi pa ganung kalalim ang nararamdaman natin. Gumawa kasi tayo ng imaginary situations o mga pangarap kasama sila. Kaya ngayon, eto tayo nga-nga. Wala naman na tayong magagawa, kundi mag-move on o patuloy na lang umasa na balang araw, umikot ang universe at sa wakas maalog din ang utak ng taong minamahal natin at mahalin na rin nila tayo.
Bakit nga ba tayo umaasa? Ewan ko rin ba. Marami kasing pwedeng reason. Pwede kasing sila talaga ang nagpapakita ng motibo. May mga tao kasing tuwang-tuwang paglaruan ang mga puso ng iba, lalo na ng mga vulnerable na kagaya mo at ko. Pwede rin kasing, hibang lang talaga tayo. Yung tipong buong mundo na ang nagsasabing tama na! Gumising ka na sa katotohanan! Magmove-on ka na! Dahil kahit kailan hindi magiging kayo. Pero, eto, gawa pa rin tayo ng gawa ng imaginary moments kasama sila. Sa isip natin nabubuo lahat ng masasayang memories with them. Sa isip natin nabubuo ang pag-asang malay mo magustuhan at mahalin n'ya rin ako.
Kung nasa sitwasyon ka pa ring ganyan, nasa kamay mo na kung kailan ka titigil sa patuloy na pag-asa mo. Wala ako sa sitwasyon mo, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan ninyong dalawa kapag magka-text kayo o magka-chat. (Oo, sa text at chat, dahil hindi ka naman talaga mag-iimagine ng bongga kung lagi kayong magkausap ng personal di ba? Kasi pag personal mo s'yang kausap, nakikita mo kung pano s'ya magreact sa mga sinasabi mo at kung pano s'ya magsalita tungkol sa bagay-bagay. Hindi 'yung puro imaginations lang na malambing ang boses n'ya at interesado talaga s'ya. Di ba?) Pero paano kapag nasa early stage ka pa lang? Yung tipong paasa ka pa lang, pero napapaisip ka na kung may patutunguhan ba talaga kayo? Paano nga ba ang hindi umasa?

2. Be realistic. Mahirap itong gawin, especially if we are referring to the moments kasama 'yung taong gustong-gusto natin. Why? Kasi lahat ng gawin nila, towards sa atin, may malisya! Open your eyes sa reality, baka kasi ganun lang talaga s'ya towards everyone else. Baka nakakasabay mo lang talaga sya pauwi kasi parehas kayo ng time out at way pauuwi. Of course, minsan babayaran n'ya ang pamasahe mo, it is just a sign na sumusweldo rin s'ya. Again, do not mistake those act of kindness as preempt for romance. Ang babaw lang natin kasi eh.
3. Be more attentive. Alam natin 'to, and we should all be very aware about this, if not yet. Kapag may gusto tayong tao, napapangunahan tayo ng kilig. Yung tipong sina-savor na lang natin every moment na kasama natin sila, na hindi na tayo attentive sa mga pinag-uusapan natin. Let us take a breather, pag naramdaman nating ganito na tayo. Stop, count one to three, then think straight. Kung kailangan mong bumilang ng up to ten, then go! Minsan kasi, kahit wala na sa sensibility ng mgapinaniniwalaan natin yung mga pinagsasabi nila, dahil nga gustong-gusto natin sila, we tend to become amazed and nag-aagree na lang sa lahat ng sinasabi nila.
4. Take a break from them. If we feel like, we are slowly entering this kind of unwanted situation, we should take a break from it. Huwag muna natin silang kausapin, kahit gaano man kahirap gawin. Do not text, chat or meet up. Mag-isip ka muna. We should go back to the things we used to do before tayo maging ganyang ka-close. Return muna tayo sa basics ng single life natin, and what we think we wanted to feel if the time comes na magkaroon na tayo ng relationship. Baka kasi napapangunahan lang tayo ng idea na finally magiging in a relationship na rin tayo at hindi na tayo single.
5. Do not settle. Hindi ito pagmamaganda o pagmamagwapo, pero we should not settle for something lesser than what we ought to have. Hindi ko alam kung paano n'yo nakikita ang sarili n'yo, but build up that self worth first. Para kasi mahalin tayo, dapat mahal din natin ang sarili natin. Meron kasing mga pagkakataon na feeling natin wala nang darating if we do not pull this person towards us, kahit alam naman nating yung beliefs natin ay hindi tugma with theirs, we still push things through. Kahit pa may gut feeling na tayo na, things are not quite right. Natatakot tayong maging forever alone.
Let me say this. Please do not settle for something or someone lesser than what we deserve. Marami tayong pinagdaanan sa buhay, whatever they may be. We all deserve someone na kaya tayong mahalin for who we are and what we can be. We all deserve something real, hindi lang isang taong kaya ka lang kausapin gamit ang keyboard o cellphone n'ya. We all deserve that acceptance and love beyond what we can imagine, yung tipong mapapatanong ka - bakit ako? Bakit ako ang minahal mo?
No comments:
Post a Comment