Thursday, May 19, 2016

Kwentong Pag-ibig





Paano Mo Malalaman Kung May Gusto S'ya Sa'yo
Ikalawang Yugto ng mga Kwentong Pag-ibig

---------- oOo ----------

Mahirap unawain ang laman ng isipan ng mga tao. Isa itong katotohanang alam nating lahat. Pero, higit sa isip, tila mas komplikado pa ang puso. Wala itong letrang bumubuo ng mga salita, o maging kontrol sa paggawa. Ang tangi nitong kayang gawin ay dumama ng bawat tibok na siya mismo ang kusang gumagawa.



Para sa 'kin, dalawa lang naman talaga ang paraan kung paano mo malalaman kung may gusto nga sa'yo ang isang tao. 'Yung una sa listahan ko ay mga specific na bagay na dapat maging aware ka, at 'yung pangalawa ay 'yung greatest way to know if someone is really into you.

Gusto kong sabihin na tama ang mga sinasabi ng ibang mga listahan kung paano mo malalaman kung may gusto sa'yo ang isang tao. Masarap basahin ang mga listahang ito, dahil ginagalaw nito ang ating mga imahinasyon. Mapapaisip nga tayo sa mga posibilidad na pwedeng maganap. Subalit, lahat ng ito ay wala pa ring kasiguraduhan kahit gaano man kahusay ang pagkakaaral ng mga ito. Dahil, sa huli, ang pangyayari sa buhay ng ibang tao ay maaaring ibang-iba sa atin. Ito ang mga iba't-ibang links ng mga listahang sinasabi ko:



Pero, gusto ko pa ring isulat ang mga sa tingin ko ang senyales na gusto ka ng isa pang tao:

Sinusubukan ka nilang kilalanin. Ipinagtatanong ka nila sa mga taong malalapit sayo, or sa mga taong nakakakilala sa'yo. Ang communication n'yo hindi lang pang-Facebook, Instagram o sa text lang. Ginagawa n'ya ang best n'ya para makausap ka ng personal. Pinupuntahan ka n'ya, niyayayang kumain sa labas, manuod ng sine, o kung ano mang tingin n'ya ay maeenjoy n'yong dalawa habang nagkakakilala kayo ng mabuti.

Inaalala ka nila. Ito yung tipong hindi basta nagtetext na "Kamusta ka na?" o "Kumain ka na ba?" Ito yung may tender love and care ang peg. Minsan gumagawa s'ya ng paraan para maibigay ang isang bagay na hindi mo lang gusto pero 'yung kailangan mo pa. They go out of their way just to provide for you, dahil sa paraang yan maipapakita nila na dependable sila.


Everything you say or do seems interesting to them. S'yempre hindi naman natin mapapasok yung isip nila para malaman kung interesado ba talaga sila. Pero, malalaman mo talaga kung interesado sila sa ginagawa o sinasabi mo if they continuously inquire about them. Nangangamusta sila sa latest art project mo o pinanuod nila yung favorite movie mo. Ito 'yung tipo ng conversation na yung ten minutes naging thirty na tapos one hour tapos lumipas na ang five hours saka n'yo lang mapapansin na gabi na pala, dahil they are interested in whatever you say. Lahat pwede n'yo nang mapag-usapan, and your beliefs and insights for them are sensible and acceptable. Natotolerate nila everything about you.


Kapag nagkikita kayo may feeling of slight discomfort. Ito yung magandang discomfort, kasi parang you find comfort in the feeling of discomfort. Kasi you-know-that-their-is-a-possibility-of-an-"us" na feeling. 'Yung nakakailang kasi may eye-contact kayo na kayang tumagos hanggang buto, parang wala kang magagawa kungdi ang yumuko dahil "nakakahiya", dahil baka at that moment may makita s'yang "mali" sa'yo, at kapag nagkatabi kayo parang may current na instant ang static between sa inyong dalawa.



Pero, higit sa lahat ng mga yan, isa lang naman talagang bagay ang magpapatunay kung gusto ka ng isang tao. Yung gustong-gusto more than friends at ito yung salitang EFFORT!

Hindi lang basta effort ha, dapat CONSISTENT na effort! 


Consistent effort to know you better and be close to you, at hindi kagaya ng lyrics sa kanta: "mawawala, bumabalik, eto na naman..." Marami kasing ganan eh.


For me, kapag gusto ka talaga ng isang tao, especially for girls, you don't have to fight for their attention and time, kasi pleasure sa kanilang ibigay sa inyo yun, because they want you in their lives, and they want you to be happy kasi pag happy ka dahil sa kanila or sa ginawa nila, happy din sila. Kung gusto ka talaga ng isang tao, they will tell you. You don't have to ask for it.


Ganito lang yan eh, you see, real things conveys our five senses - hearing, tasting, feeling/touching, seeing and smelling. Ang abstract nasa isip lang natin yan. You cannot touch, hear, taste, feel, see and smell things that are only formed in your brain.


If they like you, you'll hear it from their own mouths, hindi dahil sinabi ng iba na feeling nila you are more than friends and that you look good together.


If they really like you, they will make you feel like it. They will cover you with a satisfying feeling of warmth of contentment and happiness without doubts. 


If they really like you, you will never taste the bitterness of being left behind, kasi they are always there beside you, around you, all over you! Ibubudbod nila  sa'yo ang presence nila para mapansin mo sila!


If they really like you, you will see it. Ipapakita nila sa'yo ang most sincere part of them.


If they really like you, you will smell the sweetness of life! Parang everything with them is perfect. Kaya nga mahuhulog ka.

No comments:

Post a Comment